Home » Punto for Punto » FEARLESS FORCAST

FEARLESS FORCAST

Tapos na ang Bagong Taon at halos katatapos pa lamang din ng Epifania, pero nalimutan naming magbigay ng hula sa ilang mga kilalang personalidad sa ating lipunan. Gayunpaman ay gusto naming ihabol ang ilan sa aming mga hula sa ilan nating kilalang kababayan. Gusto naming patunayan na hindi lamang sina Madam Auring at Rene Mariano ang puwedeng manghula kundi maging ang kolumnistang ito. At narito ang ilan sa aming mga “fearless forecast”.

Na sa kapapasok na taong ito ay makararanas nang “magtungkos ng bukol” si Manny Pacman Paquiao sa ibabaw ng ring sinuman kina Juan Manuel Marquez at Floyd Mayweather Jr. ang makalaban niya. (Napakahaba na kasi ng kanyang suwerte kaya malamang ay dumating na sa kanya ang malas). Sa buhay, hindi araw-araw ay Pasko. Kung baga sa panahon, pagkahaba-haba man ng tag-araw ay dumarating din ang tag-ulan. Pero magiging governor siya ng Sarangani.

Pangalawa, sa showbiz ay magsisipagladlad na ang ilang macho na nahihiya pang “umihi nang paupo”, meaning, magsisipagsuot na ng palda at blusa ang mga ito. Natatandaan ba ninyo ang ikinumpisal ni KC Conception? Baka “magbukas na ito ng pakpak”.

Pangatlo, baka hindi lamang si CJ Renato Corona ang ma-impeach. May ilan pang mga mahistrado ang susunod sa kanya na daranas din ng kahihiyan dahil sa mga kahiya-hiyang desisyon na ikinasusuka ng bayan.

Pang-apat, na sa eleksiyon sa 2013, karamihan ng mahihigpit na “bata” ni Ate Glo ay “magsisilabas na kahiya-hiya.” (Sa survey kasi ng SWS at Pulse Asia ay masyado pang bilib kay PNoy ang madlang pipol kaya ang mananatiling mga kaalyado ni GMA ay sesemplang at magsipagsirko kahit na hindi mga sirkero.)

Panlima, may mga illegal logger na matitiklo at maparurusahan. Magsisipaghimas ng rehas pero ito ay ang “maliliit na isda” lamang. Ang malalaki ay makaliligtas.

Pang-anim, maraming drug pusher, karnaper, kidnaper at iba pang mga salot ng lipunan ang mangatitigok at marami ring mga salbaheng pulis ang matatanggal sa serbisyo dahil sa kawalanghiyaan.

Incoming search terms: