Home » Pagtanaw at Pananaw » EKONOMIYA NAMAN

EKONOMIYA NAMAN

Nagwakas ang 2011 na batbat ng masasalimuot na pangyayari- flashfloods sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan, pagdakip kay Ate Glo dahil sa kasong electoral sabotage, at impeachment ng Kamara kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Binati naman tayo ng 2012 ng makapal na SMOG na masama sa kalusugan dahil sa pagpapaputok.

Magtutuon na pala ang PNOY administration sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa at sisikaping iwanan na ang paghabol kay dating PGMA at mga alyado na nangurakot sa kabang-yaman nina Juan dela Cruz at Annie Batungbakal. Bilang patunay, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na P141.8 bilyong halaga ng infrastructure projects ang ipatutupad ng gobyerno para maitulak nang pasulong ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2012. Sige PNoy, itulak mo.

Samantala, nakatakdang maglaan ang gobyerno ni Pangulong Noy ng P1.16 bilyon para sa rehabilitasyon at pagpapaganda ng Ninoy Aquino International Airport 1 para ito maging isang world-class transport facility. Sana ay sagana na ang tubig sa mga CR, sapat ang toilet paper, hindi mapanghi at marumi, at hindi na ituturing bilang “Worst Airport in the World.”

Sana ang 2012 ay talagang para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng Pilipinas. Nakakulong na ang dating Pangulo, napahiya na ito hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo, aba “Ire namang ekonomiya ang pagsikapang sagipin” sabi ng mga Bulakenyo, at “Ala eh, isulong mo Mr. PNoy ang pagpapaangat sa kalagayan sa buhay ng mga mamamayan na ngayon ay 96.4 milyon na” , sabi naman ng mga Batanggenyo. Hoy, tigil kayo sa PANGGIGIGIL, mamaluktot na lang kayo!

Si PO2 Randy Delaria ang tunay na simbolo ng mabuti, matulungin at mapagkalingang tauhan ng Philippine National Police.Sino ba siya? Si Delaria ay isang pulis na nagligtas ng 17 tao sa kasagsaan ng flashfloods sa Iligan City habang siya ay nagbabakasyon doon kasama ang pamilya. Pinapurihan siya ni PNP Chief Director General Nick Bartolome.

Maipagmamalaki siya ng PNP, hindi tulad ng mga “Pulis Patola”, “Pulis-sa-Ilalim-ng -Tulay” o “Pulis-Kotong” na kinamumuhian ng mga motorista at ng ordinaryong Pinoy!

Incoming search terms: