Home » Balita » Unang bagyo sa 2012, binabantayan

Unang bagyo sa 2012, binabantayan

Manila, Philippines – Binabantayan ngayon ang isang low pressure area (LPA) na posibleng maging unang bagyo na papasok sa bansa sa 2012.

Sa inilabas na weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 1,000 kilometro sa Silangan ng Southern Mindanao.

Kapag ganap nang mabuo ito, tatawagin itong bagyong “Ambo.”

Nauna nang namataan ang isa ring LPA sa General Santos City ngunit ito ay nalusaw na.

Paliwanag ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando, mas organisado umano ito kumpara sa nalusaw na sama ng panahon nitong Linggo.

Ang tinukoy na LPA ay nasa dagat pa at walang sagabal sa kanyang paglakas.

Kabilang sa posibleng maapektuhan nito sa mga susunod na araw ay ang Agusan, Surigao, Davao at maging ang mga lugar na naapektuhan ng mapaminsalang bagyong ‘Sendong’ noong nakaraang taon na nag-iwan ng higit 1,000-katao ang namatay. – Rommel P. Tabbad

Incoming search terms: