Home » Balita » May bagong sex video scandal

May bagong sex video scandal

Ni Reggee Bonoan

NAPANOOD namin ang sex video scandal ng namayapang si Ramgen Revilla kasama ang girlfriend niyang si Janelle Manahan na naka-upload ngayon sa YouTube.

Nagulat at naweirduhan ang pakiramdam namin dahil patay na nga si Ramgen at muntik ding mapatay si Janelle, pero para kaming nanood ng porno. Walang sinabi ang video scandal naman nina Mo Twister at Rhian Ramos na pa-cute at kilitian lang. (Puwera na lang kung totoong pasakalye lang iyon.)

Si Ramgen ang kumukuha ng video, hawak-hawak niya ang digicam na itinapat sa salamin ng banyo habang gumagawa sila ng milagro ni Janelle na nakatawa habang nakatutok ang kamera.

Iisa ang tanong ng lahat ngayon, sino ang nag-upload sa Internet ng naturang sex video? Sino ang nakakuha ng digicam o memory card? Bakit ito in-upload?

Sa tingin ng mga nakapanood na ng sex video ay sinisira si Janelle para hindi paniwalaan ang mga sinasabi niya, dahil nga state witness siya sa pagpatay sa boyfriend niya.

Ang reaksiyon ng mga nakakapanood nito, napakawalang puso naman ng nag-upload ng sex video dahil namatay na nga si Ramgen at hindi pa halos gumagaling si Janelle pero heto at binababoy pa.

Sana ay mahuli na kung sino ang mga maysala sa pagkamatay ni Ramgen at bumaril din kay Janelle para mabigyan sila ng katahimikan kasama na ang buong pamilya Revilla at Bautista.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Freda

    the video wasn’t malaswa….my initial reaction was, “ang kulit” ng mga batang ito….geez….it may not be so proper had they meant the thing to leaked out….but i bet the 2 of them just video-taped what they were doing for fun….and for private viewing…..and whoever posted the video online has his/her motive/s….apparently, to discredit janelle….the question now would be: “who would have had access to the digicam used by ramgen? hmmmm….somebody who had access to his things, eh….since janelle was brought to the hospital immediately after the incident, it leaves none else but the people who can freely go in and out of ramgen’s house…..well, well, well……..



















Translate »