Inaasahang aabot sa 97.6 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon, ayon sa Commission on Population.
“By 2014, the population may increase to 101.2 million,“ sabi ni Commission on Population Executive Director Tomas Osias.
Sa kasalukuyan, may 95.8 milyong katao sa Pilipinas, ang ika-12 sa mga bansang may pinakamalalaking populasyon.
Sinabi ni Osias na may 1.7 milyong sanggol ang isinisilang sa bansa taun-taon, kinakatawan ang 2.04 porsiyentong pagtaas sa populasyon.
Ayon pa kay Osias, ang nasabing population growth rate, na pinakamataas sa Asia, ay maaaring mapababa kung aaprubahan ng mga mambabatas ang kontrobersiyal na Reproductive Health bill.
Ngunit mariin ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa nasabing panukala, na ayon sa kanila ay gagawing legal ang aborsiyon. – Deustche Presse Agentur
Incoming search terms:
- populasyon ng pilipinas 2012
- kabuuang populasyon ng pilipinas 2012
- bilang ng populasyon sa pilipinas 2012
- kasalukuyang populasyon ng pilipinas 2012
- populasyon sa pilipinas 2012
- population ng pilipinas 2012
- balita tungkol sa populasyon ng pilipinas 2012
- populasyon 2012
- balita tungkol sa populasyon ng pilipinas
- populasyon ng pilipinas sa taong 2012

