FOLLOW-UP ito sa sinulat naming nu’ng Martes tungkol sa “hindi” panliligaw ni Xian Lim kay Kim Chiu.
May isyu kasing nanliligaw si Xian sa ‘Binondo Girl’ pero nang mapadaan kami sa taping nu’ng nakaraang Biyernes, wala naman kaming napansin at sa katunayan ay nauna pang umalis si Xian sa dalaga papunta sa lilipatang location.
Kaya naisip at sinulat namin na kung talagang nanliligaw si Xian kay Kim, hinihintay sana niyang matapos ang mga eksena ng dalaga at saka niya sasabayang umalis.
May nag-react na supporter ni Kim at nagpadala ng mensahe kay Bossing DMB at nakiusap na huwag ilalabas ang pangalan at cellphone number niya. Heto ang mensahe:
“Hello DMB, about do’n sa article today ni Ms Reggee B. regarding Kim at Xian. FYI, late afternoon, nagdala ng choir si Xian para kantahan si Kim sa tent niya ng You ng Carpenters. Nagulat si Kim. May flowers at pillow pa na gift si XL (Xian Lim) kay Kim. Regarding ‘hintayan’, kahit nu’ng sina Kim at Gerald (Anderson) pa noon, ayaw ni Kim na hinihintay siya lalo na’t trabaho ang pupuntahan. Thanks, Reggee sa article, keep supporting Kim and MBG (My Binondo Girl).”
Kinunan namin ng comment si Kim tungkol sa isyung ito.
“Opo, totoo po ‘yung nagpa-choir siya ‘tapos nagbigay ng Christmas gift,” sabi ng dalaga.
Tinanong na namin nang diretsahan si Kim kung nanliligaw na nga ba si Xian sa kanya, at sagot niya:
“He-he-he… ‘Di ko po alam. Nakakahiya namang magassume, he-he-he.”
Hmmm, itong si Xian talaga! Sabi niya nu’ng huli namin siyang makatsikahan, hindi siya nanliligaw o manliligaw kay Kim. E, bakit may hilahila pa siyang choir para pakantahan ng You si Kim Chiu?
Ano nga ba ang lyrics nu’n? You are the one who makes me happy…Naku, Gidget de la Cuesta, ‘yang alaga mo, ha….

