Home » Balita » Ekonomiya, aalagwa sa bagong taon

Ekonomiya, aalagwa sa bagong taon

Tiwalang inihayag ng economic managers ng bansa na bubuti ang kalagayan ng ekonomiya sa susunod na taon.

Ayon sa mga eksperto, sasandal nang husto sa pag-arangkada ng gross domestic product ang malakas na paggastos ng gobyerno lalo sa mga nakalinyang proyektong imprastraktura.

Bukod dito, tutuntungan ng Pilipinas ang buhos na remittance ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat, paglakas ng iba’t ibang industriya na magpalawak sa supply and demand o public consumption at paglakas ng mga serbisyo.

Tinayang lalagpas sa 5 porsiyento ang GDP ng bansa sa sunod na taon.

Ngunit, ayon sa economic managers, magsilbing balakid ang mga external shocks tulad ng krisis sa pananalapi sa European Union.

Ang pagtaya ay inayunan ng World Bank at ang New York-based na Moody’s Investors Service.

“In the coming 12 to 18 months, we expect economic conditions to remain fairly robust, though the pace of growth will moderate due to stronger global headwinds. Our central scenario is for real GDP to grow 4.5 percent in 2011 and 5 percent in 2012, a slowdown from growth of 7.6 percent in 2010,” ulat ng Moody’s. –Mac Cabreros

Incoming search terms:

comments


















Translate »