Home » Showbiz atbp. » Never akong nakapatay –Jack Enrile

Never akong nakapatay –Jack Enrile

Ni Reggee Bonoan (UNA SA SERYE)

NAGING malaking balita ang pagkamatay ng Regal Baby at matinee idol na si Alfonso Serrano Anido o mas kilala bilang Alfie Anido sa edad na 22 sa pamamagitan ng diumano’y pagbaril sa sarili noong Disyembre 30, 1981.

Nabalot ng misteryo ang kanyang pagkamatay dahil may maintrigang bersiyon na lumutang na nanatiling urban legend sa loob ng napakaraming taon -at ang pinagbintangang gumawa raw nito ay ang kuya ng girlfriend ni Alfie noon na si Katrina Ponce Enrile, si Jack Enrile.

Sina Katrina at Jack ay anak ni Sen. Juan Ponce Enrile na noon ay Minister of Defense ng Marcos regime.

Tatlong dekada na ang nakararaan simula noon na walang anumang narinig mula sa pinagbibintangang bumaril sa aktor, na ngayon ay kinatawan sa Kongreso ng Unang Distrito ng Cagayan.

Malaking bagay na naging kaibigan ni Katotong Jobert Sucaldito si Rep. Jack Enrile at nahikayat niya itong humarap sa entertainment press para klaruhin ang mga usap-usapan tungkol sa kanya.

At nangyari ang aming panayam nitong nakaraang Lunes kay Rep. Jack Enrile, na aminadong ninenerbyos siya dahil iba raw kasing magtanong ang showbiz press kaysa news reporters.

Naririto ang interview namin ni Bossing DMB, kasama si Katotong Wendell Alvarez, kay Rep. Jack Enrile.

“Nagdi-dinner kami noon at sinabi sa akin na naghi-hysteria si Katrina, at sinabi sa akin ni Sen. (Gregorio) Honasan (aidecamp noon ni Minister Juan Ponce Enrile), Greg nang panahon na `yun, na, `Pupuntahan ko muna si Katrina, may problema.’ Sabi ko, `Aba’y `sama ako’.

“So, nu’ng pagdating namin doon sa bahay ni Alfie (sa BelAir Village, Makati), naalala ko pa `yun, nasa labas si Babita (kapatid na babae ni Alfie), parang nakatulala, `tapos paakyat ako doon sa bahay, narinig ko `yung sigaw ni Katrina, umiiyak si Katrina. Sabi ko, `Anong nangyari?’ `Tapos sabi niya, si Alfie… si Alfie.’

“Sumilip ako sa pintuan, bukas `yung pintuan, nakita ko butas `yung ulo ni Alfie `tapos `yung baril, nasa ground. Sabi ko, `Bakit? Ano nangyari?’ Eh, nagpakamatay daw.

“Sabi ko, `Anong ginagawa ninyo? Bakit hindi ninyo nabantayan?`

“Eh, naghahanda raw sila ng pagkain sa baba kasi kakain si Alfie, eh, biglang kinuha yata `yung baril ng tatay niya at binaril `yung sarili niya. So, hindi natin alam kung bakit, si Alfie lang ang nakakaalam nu’n.

“`Yun nga lang, nu’ng panahon na `yun, medyo komo’t iba `yung pagtingin sa akin ng lipunan, na ako raw ang gumawa,“ seryosong kuwento niya.

Tinanong namin si Rep. Jack may galit ba siya kay Alfie o kung hindi ba siya boto na maging boyfriend ito ng kapatid niya.

“Ay, hindi po, in fact we’re friends,“ mabilis niyang sagot. “Alfie and I were very close friends, we were schoolmates (sa Ateneo).

“Sa totoo lang, hindi ko alam until that day, actually, na mag boyfriend sila ni Katrina. Kung hindi nangyari `yung insidente n a (nagaaway sina Alfie at Katrina Katrina habang) pauwi sila galing Antipolo, na sabi ko, `Ano’ng ginagawa ni Katrina na kasama ni Alfie Anido, kasi kaibigan ko `yan?“

“So, I only found out that day na mag-boyfriend na sila at matagal na pala sila.

“At hindi ko rin alam kung paano sila nagkakilala dahil wala namang na’kuwento sa akin si Katrina,“ pagbabalik-tanaw ni Rep. Jack.

Diretsahang tanong: Nakapatay na ba siya ng tao?

“Never akong nakapatay ng tao o may ipinapatay, at never din akong nanutok ng baril sa tao,“ mabilis niyang sagot.

Nabanggit din daw ng pamilya Anido na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Alfie.

Gaano ba siya katigasin o katapang noong kabataan niya?

“Alam mo never akong naghanap ng gulo, never talaga. Kaya lang nu’mg bata ako, matapang talaga ako. Hindi ninyo lang alam ang kuwento ng buhay ko. One of these days, ikukuwento ko sa inyo `yung naranasan ko nu’ng nasa Amerika ako.

“Kung ano `yung akala ninyong matapang ako dito (Pilipinas) , ganu’n din ako katapang sa Amerika.

“Sa totoo lang, nu’ng umalis ako sa Pilipinas nu’ng 20 years old ako at nakipagsapalaran ako sa Amerika, may mga instances na hinahanap ako ng magulang ko, hindi nila ako mahanap.

“Sa totoo lang kung saansaan ako umiikot noon, on my own. Ang suwerte ko bilang Jack Enrile is nagawa ko `yung gusto kong gawin du’n sa oras na nararapat kong gawin `yun.

“Nu’ng panahon na dapat nagkaroon ako ng sports car nu’ng bata ako, nagkaroon ako. Hindi `yung tumatanda ako, eh, doon ako nagkaroon ng sports car.

“Nu’ng pogi pa tayo noon, marami tayong chicks, hindi katulad ngayon na kung kailan ako may asawa, saka tayo magkaka-chicks,“ natatawang kuwento niya.

At ang revelation niya, “My first credit card, I got when I was 30 years old,“ bilang paliwanag sa isyu na ipinaputol ng magulang niya ang kanyang credit card noong naroroon siya sa Amerika.

“Nu’ng bata ako, may pera na ako. Nu’ng 18 o 19 ako, nagnenegosyo na ako, may mga machine shop na ako. Bumibili ako ng torso, nagbebenta ako sa Taiwan, Korea, so `yung credit card ko na `yun, ewan ko kung saan nanggaling. Hindi totoo `yun.“

(MAY KARUGTONG)

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • http://www.mimioconnect.com/users/worldcup groups for fifa world cup 2014

    These assured remarks came a day following South Africa, established to host the World Cup even with currently being criticized as
    a country not able of internet hosting this kind of an event and for having 1 of the the very least experienced
    teams in the World Cup in the historical past of the event according to some specialists, shut out Denmark one- in their ultimate global friendly prior to the tournament commences.
    South Africa had also defeated Guatemala by a rating of five- prior to
    their victory in excess of Denmark, environment
    the tone for Bafana Bafana as they get ready for
    1 of the toughest draws in group perform.