Home » Balita » Planetang katulad ng Earth, mainam na tirahan ng tao, nadiskubre

Planetang katulad ng Earth, mainam na tirahan ng tao, nadiskubre

 

WASHINGTON (AP) – Isang bagong tuklas na planeta na nakakapangilabot ang pagkakatulad sa Earth at nakapuwesto sa labas ng ating solar system ay lumalabas na mainam para sa buhay, maliban sa isang problema: Masyado itong malaki.

Ang planeta ay nasa gitna ng tinatawag ng mga astronomer na Goldilocks zone, ang mailap na lugar na hindi masyadong mainit, hindi masyadong malamig, kung saan mahalaga ang tubig para sa buhay, hindi nagyeyelo o kumukulo. At ito ay may shopping mall-like surface temperature na halos 72 degrees, ayon sa scientists.

Ang kumpirmasyon ng planeta ay inanunsiyo noong Lunes ng NASA kasama ang iba pang tuklas ng kanilang Kepler telescope, na inilunsad sa isang planet-hunting mission noong 2009.

Ito ang unang planeta na kinumpirmang nasa habitable zone para sa Kepler, na nakatagpo na ng mala-Earth at mababatong planeta sa ibang dako. Dalawang beses nang dating inanunsiyo ng mga astronomer na nakatagpo sila ng planeta sa lugar na iyon, ngunit walang isang mainam na tirahan ng tao.

“This is a phenomenal discovery in the course of human history,“ ani Geoff Marcy of University of California, Berkeley, isa sa mga pioneer ng planethunting sa labas ng ating solar system, sa isang email. “This discovery shows that we Homo sapiens are straining our reach into the universe to find planets that remind us of home. We are almost there.“

Ang bagong planeta ­ pinangalanang Kepler-22b -ay may mga pangunahing katangian na katulad ng Earth. Umiinog ito sa isang bituin na maaaring kakambal ng ating araw at halos kapareho ang distansiya. Ang isang taon sa planeta ay 290 araw na mas malapit sa atin. Malaki ang tsansang ito ay may tubig at bago.

Ang natatanging problema ay masyadong malaki ang planeta para magkaroon ng buhay sa ibabaw nito. Ang planeta ay halos 2.4 beses na mas malaki kaysa Earth. Maaaring ito ay mas nagtataglay ng gas-and-liquid gaya ng Neptune na mabato ang pusod at halos karagatan.

“It’s so exciting to imagine the possibilities,“ pahayag ni Natalie Batalha, ang Kepler deputy science chief.

Ang paglutang doon sa “world completely covered in water“ ay parang pagpalutang-lutang sa karagatan ng Earth at “it’s not beyond the realm of possibility that life could exist in such an ocean,” ani Batalha sa isang panayam sa telepono.

Hindi pa nakatagpo ng buhay roon ang Kepler, at kung saang parte nito tama ang kondisyon para tumagal ang buhay. At kapag naghahanap ng buhay ang mga astronomer saan mang dako, ang ibig nilang sabihin ay lahat ng may buhay mula sa mikrobyo hanggang sa advanced intelligence na maaaring nakamasid sa atin.

Sa ngayon ay nakatagpo na ang Kepler telescope ng 2,326 kandidatong planeta sa labas ng ating solar system at 139 sa kanila ay potentially habitable o posibleng tirahan. Kahit na ang kumpirmadong Kepler-22b ay medyo malaki, mas maliit pa rin ito kumpara sa karamihan ng mga kandidato. Ito ang pinakamalapit sa Earth sa laki, temperatura, at bituin kaysa alinman sa dalawang mga naunang planeta na inanunsiyong nasa lugar.

Sinabi ng Chief Kepler scientist na si William Borucki na sa pakiwari niya ang planeta ay nasa pagitan ng katangian ng Earth at ng gas-and-liquid Neptune, ngunit may mas maraming mabatong materyal. Hindi pa batid ng scientist ang tumpak na laki nito. Makakatulong ang mga pagsusukat sa susunod na tag-araw upang magkaroon ng mas malinaw na idea rito ang mga astronomer, aniya.

Ang planeta ay 600 light years ang layo. Ang bawat light year ay 5.9 trillion miles. Ang isang space shuttle ay aabutin ng halos 22 million years para makarating doon.

Nakita ng Kepler ang planeta nang dumaan ito sa harapan ng bituin nito. Hinihingi ng NASA ang tatlong sightings bago nito sinisimulang kumpirmahin ang isang planeta. Sinabi ni Borucki na ang third sighting ng 22b ay naganap halos isang taon na ang nakalipas. Inabot ng ilang buwan bago natapos ang kumpirmasyon.

“It’s a great gift,” ani Borucki. “We consider this sort of our Christmas planet.”

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • Mike Lumbis

    pwede kaya mag tao din dun sa lugar na un??o kya may naninirahan na iba dun ^_^ makapangyarihan tlga c lord biruin nyu d lang pla tayu nakatira sa universe ^_^n

  • Delacruz_poulo

    ang kepler ang bagong planeta ba???n

  • Nicko Defiesta

    kaso bago tau makapunta patay na ren cguro a

  • Nicko Defiesta

    bago aqu makapunta dun patai na ren aqu n22 million years bago makapunta naabuten pa ba ako nunnwahahahn

  • http://www.facebook.com/people/Johnkyle-Aniel-Retana/100002959235948 Johnkyle Aniel Retana

    sobrang laki namang bagong planeta nayan bago pa ako makapunta dyan patay nako 22 million years panamann

  • http://www.facebook.com/people/Johnkyle-Aniel-Retana/100002959235948 Johnkyle Aniel Retana

    lupit kamukha ng earth pero masmalaki pa sa jupeter!!n

  • http://www.facebook.com/people/Johnkyle-Aniel-Retana/100002959235948 Johnkyle Aniel Retana

    kung kaya kolang makagawa ng spaceship namas mabilis at subrang tibay at tatagalin ng 100 million years ago baka makarating ako sa planetang iyan!

  • Domondonmyra

    kung akuh ang tatanungin ayoko ng umalis d2 sa planet earth kac,,,,,ang planet ang lugar kung saan pinanganak si JESUS at d2 rin sya namatay…….mas pipiliin kuh pang mamatay d2 mismo sa earth keysa sa ibang planeta

  • Autoskitmasakit

    ohh di nga pag pakamatay kana kagaya ni jesus !!!

  • redj

    uy wag mu banggitin ang pangalan ng diyos bad un ikalawang utos iyon

  • redj

    ang tinutukoy ko si autoskitmasakit

  • http://www.facebook.com/christianpaul.q.lepasana Christian Paul Quirog Lepasana

    hahahha

  • http://www.facebook.com/christianpaul.q.lepasana Christian Paul Quirog Lepasana

    patay na ako bago makarating dun sa planetang un.hehehe.

  • Mama and Papa

    kapa ba?

  • Mama and Papa

    kung magpupunta kayo dyan wag na ninyo sirain ang planetang iyan,
    wag nyu gawin sa planetang iyan ang ginagawa nyu sa earth
    makakasira lng ang mga tao

  • KRISTINE

    Wow! ang ganda ng planet kepler peo maspipiliin ang earth dahil baka mawala ung mga paboito kong lugar dito sa pilipinas kapag lumipat tayo doon at baka madami ng nakatira doon na alien hoh!!!

  • marionne21

    anu ba kau? 22milyon years ang aabutin para makapunta ang isang space shuttle…..!!!!!!!! eh kung pupunta sila dun may cra na ulo nila! :)