Home » Showbiz atbp. » GMA-7, naghahanap ng biritera

GMA-7, naghahanap ng biritera

Ngayong Disyembre , mag-uumpisa na ang paghahanap sa singing child wonders na magiging bahagi ng GMA Primetime Series na Biritera.

Ang Biritera ay isang family-oriented drama series na mapapamalas ng hindi matatawarang galing sa pag-awit at pag-arte na paniguradong papatok at mamahalin ng bawat Pinoy saan mang sulok ng mundo ngayong darating na taon.

Kaya kung ikaw ay batang babae (8 hanggang 10 taong gulang) na naguumapaw ang star quality, galing sa pag-arte at kayang bumirit, ikaw na ang hinahanap ng Biritera.

Ang nationwide auditions ay ginaganap araw-araw hanggang December 9 sa GMA Network Annex mula ala-1 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.

Ang bawat Biritera hopefuls ay kailangang magdala ng bio-data with photos, minus one ng napiling awit, birth certificate at written parental consent.

Ihanda na ang inyong vocal chords at ipamalas ang walang kapantay na talento sa pag-awit at pag-arte para maging isa sa mga bagong singing child wonders ng GMA’s Biritera.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese