Home » 'WANAKOSEY » Hipong tulog

Hipong tulog

(Usapang hipon at iba pa)

“Ang hipong tulog, nadadala ng agos.”

KAHULUGAN: Walang direksiyon ang buhay dahil sa kapabayaan. Bilang babala na rin sa pag-iral ng mga di-inaasahang pangyayaring dulot ng kapabayaan.

PAMUHATAN: Dinudukal dito ang gawi ng hipon na natutulog sa gitna ng malakas na agos ng tubig.

Siyempre pa, habang tulog ang hipon ay uubra siyang dalhin ng agos kung saan mang direksyon.

Kasing-kahulugan ng hipong tulog ang praseng naiiwan sa pansitan o natutulog sa pansitan.

Ito ay sa dahilang ang pansitan ay larawan ng kawalan ng inaatupag o inaasikasong gawain kundi ang kumain o matulog lamang.

Dito applicable ang babalang hindi ka maambunan ng grasya kung umulan man kumbaga ng biyaya at bumaha ng kapalaran sa kalsada dahil naiwan kang natutulog sa pansitan.

Sa makabagong panahon, lumitaw ang salitang kalye na kung tawagi’y KATUGA bilang daglat sa gawing Kain, Tulog at Gala na tanging pinagkakaabalahan ng isang tao.

HETO ANG PANINGIT AT PANGDIIN: Sino’ng nagsabi na ang taong hipong tulog ay hindi marunong mangarap? ‘Yun nga lang, mas akmang tawagin ang kanilang pangarap bilang panaginip lamang, dahil doon lamang sa bungang-tulog natutupad ang kanilang pangarap.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »