Home » Balita » Ika-40 anibersaryo ng paglilingkod ng BALITA sa sambayanang Pilipino

Ika-40 anibersaryo ng paglilingkod ng BALITA sa sambayanang Pilipino

 

Manila, Philippines – NGAYON angika-40anibersaryo ng BALITA simula nang ilabas ang unang isyu nito noong Disyembre 1, 1972.

Maraming beses na naming nasulat ang kasaysayan ng BALITA, at kung bakit ito isinilang sa panahon na sikil ang pamamahayag, ang apat na taong sunud-sunod na mga parangal bilang Pinakamahusay na Pahayagang sa Filipino, at para hindi kami maging paulit-ulit ay iibahin namin ang tila naging tradisyon nang pagbabalik sa nakaraan.

Subukan naman nating tumanaw sa hinaharap. Para sa artikulong ito, nagsagawa kami ng survey sa pamamagitan ng social networking sites, at ipinaskil ang katanungang ito: “Ano ba talaga ang problema ng bansa natin?

“Kung tulad ko, nakakausap n’yo rin ang mga kababayan nating nakakapunta, nakapagtrabaho o tumira sa ibang bansa, tiyak na naririnig n’yo rin sa kanila na awang-awa na sila sa sobrang miserableng kalagayan ng Pilipinas. Totoo `yun. Ako, aaminin ko, literal akong napaiyak nang una akong makalabas ng bansa nang maging fellow ako sa Confederation of Asian Journalist-Nihon Shimbun Kyokai Fellowship sa Japan noong 90′s. Maiisip mo, bakit ganoon ang standard of living nila, bakit tayo…?

“Please feel free to comment, lalo na ang mga OFW -kailangan ko ang inyong mga kasagutan artikulo na gusto kong sulatin: Ano ba talaga ang problema sa bansa natin?“

Naririto ang 40 pangunahing problema (hindi nangangahulugan na ang mga ito lang ang problema sa ating bansa), ayon sa paningin ng mga kababayan natin na tumugon sa survey.

1. Ang problema sa bansa natin ay hindi lang ang gobyerno. Ang mga tao rin na gino-govern. Hindi lang sa kung anong lider meron tayo, kungdi kung anong klaseng tao tayo. Kasi, we tend to blame the government sa mga simpleng bagay na puwede namang tayo ang gumawa ng solusyon, like poverty. Madami naman sana ang puwedeng gawin, lot of means actually, pero sa ilang kababayan natin na nakaka-realize, only few of them move.

2. Lack of discipline.

3. Lack of self-respect.

4. Lack of proper standards.

5. Ang numero unong problema ng ating bansa ay ang mga pulitiko natin na wala nang ginawa kundi gaguhin ang mamamayan, lalo na ang mahihirap. Puro pansarili nilang kapakanan lang ang iniisip.

6. Crab mentality. Itong Taiwan napakaliit, parang nunal lang ng Pilipinas pero napakaprogresibong bansa. Napansin ko dito, disiplinado ang mga tao at wala sa kanila ang tinatawag na crab mentality.

7. Hindi magamit na talino ng mga Pilipino. Napakatalino ng mga Pinoy, pero ibang bansa ang nakikinabang.

Kasi sa sarili nating bansa ‘di kayang magpasahod ng kagaya ng sahod sa labas.

8. Corruption at tax evaders. Kung ang lahat lamang ay nagbabayad ng buwis, maging ang kaliit-liitang negosyo, maaayos pa ang ‘Pinas.

9. Mga Pilipinong nakapag-aral sa reputable schools dito at maging sa ibang bansa, pero ginagamit ang mga natutuhan sa pagnanakaw sa bayan.

May government officials na sobrang dupang sa puwesto, ayaw umalis.

10. Walang pagkakaisa. Hindi pa rin nagkakasundo ang gobyerno at ang NPA o ang MILF at hindi masugpo ang Abu Sayaff.

1 1 . Mga namumuno at pinamumunuan na hindi umaamin ng pagkakamali. Huwag namang sabihin lang na “I am sorry.” 12. Kawalan ng kulturang magbubuklod sa sambayanan para sa makabansang adhikain. Kawalan ng naaangkop na kasaysayan upang sundan at palaguin ng kabataan. Sabi nga ni Jose Rizal, ang ating kasaysayan ay mahahalintulad sa bangkay ng isang ama na hinukay mula sa libingan at itinapon sa ilog. Madali tayong makalimot, no sense of history. Ang daling magpatawad, mababaw ang loob at ‘di tayo matutu-tuto sa mga karanasan natin lalo na ‘yung sad experiences na puwede sanang maging wealth of resource natin.

13. Mga bayani na tila napulitika ng kasaysayan at naging pag-aari ng iilang grupo sa lipunang Filipino. Si Rizal, bilang pag-aari mga elitista at mga marunong. Si Bonifacio, itinuturing idolo ng masa at ng mapupusok na militante. Noong nakaraang eleksyon, ang kulay dilaw na simbolo at pag-aari ng mapayapang himagsikan laban kay Marcos ay muling ginamit upang isulong ang interes ng isang partido pulitikal.

14. Mga namumuno na walang iisang goal para sa bansa at magaling lang sa awayan, tirahan, payabangan, pagalingan, mag-ungkatan ng mga sekretong `di dapat ilabas sa halip na magtulungan para solusyunan ang mga problema ng Pilipinas.

15. Walang lider na may isang salita at istrikto.

16. Walang mga lider na malinis ang intensiyon sa bayan.

17. Likas-yaman na iilan lamang ang nakikibang, karamihan ay mga taga-ibang bansa.

18. Likas na sipag ng mga Pilipino, danga’t nga lang wala tayong pagkakataong umangat sa buhay dahil sa kapabayaan ng ating mga lider na sa halip na tumulong sa pagpapaunlad ng sambayanan ay ang sarili muna ang pinauunlad.

19. Mararamot na may-ari ng malalaking negosyo na ayaw magpasuweldo ng maayos at hindi ibinibigay ang tamang benepisyo sa kanilang mga empleyado.

20. Bakit may mga bansa na libreng naibibigay ang medical services hindi lang sa senior citizen or sa less fortunate kundi sa lahat ng mamamayan?
21. Dapat ayusin ang tamang edukasyon para sa mga Pinoy.

Bakit ang public schools sa Amerika naibibigay na libre ang pagkain sa mga estudyante? Sa Pilipinas, kahit chalk o manila paper, teacher pa ang bumibili. Ang perang pambili ng libro at gamit sa school, hindi dapat ipinambibili ng mga bala at armas.

22. Maraming kalsada na ilang metro na lang ay hindi na tinapos sementuhin para maantay pa ang susunod na eleksyon. Pulitikong namimili ng boto at botanteng nagbebenta ng boto.

23. Masyadong marami ang marunong at nagmamarunong. Kristiyanong bansa daw pero talamak ang ugaling pangdemonyo.

24. Matanong nga lang… dahil ba sa Ingles ang ginagamit sa Kongreso kaya madaming natutulog `pag may session?

25. Problema ng Pilipinas? Para sa akin ay ang sistema na kinamulatan na natin, na naisabuhay na natin, natutuhan nang tanggapin, at naging parte na ng pang-araw-araw na buhay.

26. Dati rin akong government employee diyan sa atin, na laging walang laman ang kaban ng bayan kaya puro utang sa mayayaman na nasyon pero `pag nakautang, na unahan naman sa kickback ang mga nakapuwesto.

27. Ang madalas na eleksyon na pagwawaldas lang ng pera ng bayan. At di tayo marunong pumili ng tamang mga lider kasi madali tayong masilaw sa hollow promises.

28. Ang agrikultura natin na dapat palaguin ay hindi pinagtutuunan ng pansin. Mataba ang lupa natin diyan, pero wala namang suporta ang ating pamahalaan sa mga scientist at inventors natin. Dito nga sa mga bansang walang ulan nagsisikap sila na magtanim, at kahit walang damo sagana sa gatas at mga hayop o livestock. OK na sana `yung mga fertilizer kaso sa eleksyon pa rin napunta iyong pera.

29. Kulang tayo political will to change too much corruption, marami ang project na inutang sa ibang bansa pero walang return of investments.

30. Brain drain. Napakaraming tao, kulang ang mapaghanapbuhayan.

31. Broken homes at dysfunctional f am ily na bu ng a ng sap il ita ng pagtatrabaho sa abroad ng mga haligi at ilaw ng tahanan.

32. Over-population. Sa “manufacturing ng tao“ busy ang marami, hindi sa manufacturing ng mga produkto.

33. Laziness. Palakasan at padrino system. Matuto rin tayong `wag maglagay at dumaan sa tamang proseso; matuto ring magreklamo ang mamamayan. Sa mga nasa bureaucracy: trumabaho ng walang lagay dahil po tayo ay bayad na sa ating suweldo. Mababang sahod ay `di dahilan para ikaw ay maghingi ng suhol dahil alam mo kung magkano lang ang suweldo mo. Alam mo ang pinasok mo, so wala kang sisisihin kung iyon lang ang suweldo mo.

34. Crime and violence. Bilang isang manggagawa dito sa Korea, I feel unsecured `pag nandiyan ako sa Pilipinas. Dito kahit maglakad ako ng solo sa hatinggabi sa madilim na kalsada, wala akong kakaba-kaba. Pero sa Pilipinas kong mahal, nakakalungkot mang tanggapin, diyan ko pa nararamdaman ang pagkatakot.

35. Too much laws na hindi properly implemented, selective justice system. The poor criminals easily get caught, naipakukulong agad nang walang kalabanlaban samantalang ang mga magnanakaw sa gobyerno na millions or billions ang loot ay hindi maipakulong.

36. Ang mga tao mismo na naninirahan dito. Wala pa ring disiplina at tunay na pagpapahalaga at pagmamahal sa kapwa.

37. Pagkabaon ng bansa sa kultura sa burak ng materyalismo, wala na ‘yung sense of Pinoy values tulad ng Bayanihan, pera-pera na lang ang nangyayari sa kahit na saang kalakaran ng buhay-Pinoy. Dito nga sa Amerika kahit na taghirap, iba pa rin ang social services na napapala namin, masyadong malayo ang agwat ng mayaman sa mahirap -sabagay ganito na rin naman halos dito ngayon pero d’yan sa atin kitang-kita sa pinakasimpleng anyo ng buhay.

38. Great sense of impunity by those in power and a sickening sense of apathy by the people.

39. Kawalan ng pag-unlad sa mga kanayunan dahil nakasentro ang aktibidad ng lahat sa mga lungsod.

40. Nang gawing idolo ng mga ignoranteng mamamayan at hayaang mamuno ang mga Marcos, Ramos, Erap at Arroyo, nalusaw na at tuluyang naglaho sa kamalayan ng tipikal na Pilipino ang sense of right and wrong.

Sa nakalipas na 40 taon, ang BALITA ay naglilingkod sa mga mambabasa hindi lamang para makapaghatid ng makabuluhang impormasyon upang makabuo ng matalinong mga desisyon at kapasyahan ang publiko, kungdi naghatid din ng mga inspirasyon at sapat na lakas ng loob para harapin ang pangaraw-araw na buhay.

Para sa mga susunod pang taon ng BALITA, nagpapanibagong sumpa ang institusyong ito, ang aming pamunuan, at ang buong staff at mga kamanggagawa, sa gabay ng Diyos at ng sambayanang Pilipino, para sa patuloy na pakikipagtulungan sa lahat ng tumatalakay at sumasagupa sa nabanggit na mga problema sa itaas, hanggang sa matupad ang ating mithi at pangarap na maisaayos ang buhay sa minamahal nating Pilipinas.

Maraming-maraming salamat po sa 40 taong pagtangkilik sa BALITA.

Mabuhay ang Pilipinas!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese