Home » Showbiz atbp. » Vice Ganda, nagpalit ng manager

Vice Ganda, nagpalit ng manager

 

Ni Reggee Bonoan

Manila, Philippines – HINDI na si Katotong Ogie Diaz ang manager ni Vice Ganda, ito ang bumulaga sa amin kahapon ng umaga.

Ayon sa balita ay si Deo Endrinal na raw ang manager ng host ng Gandang Gabi Vice.

Agad naming tinanong si Sir Deo tungkol dito.

“ABS ang manager niya, ako lang ang handler. My unit will handle him for ABS. Puwede rin sa akin ang negotiation, ‘tapos papa-approve ko sa management, ‘pag okay, go.”

Effective ASAP daw ang pagbabago ng manager ni Vice.

“Aalis siya ngayong gabi (kahapon) at sa December 5 pa ang balik niya, ‘di ako kasama sa meeting nila ng management, eh, tinawag lang ako after the meeting,” say sa amin ng TV executive.

Samantala, tinawagan din namin si Katotong Ogie pero naka-off ang cellphone niya. Maging si Vice ay tinext namin, pero hindi kami sinasagot.

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese