Home » Dagdag Balita » Literacy rate ng ‘Pinas, tumaas

Literacy rate ng ‘Pinas, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas ang literacy rate sa bansa sa nakalipas na dalawang taon, ayon sa online education platform na Virtual Campus.

“Recent studies show that the literacy rate in the Philippines is quite high compared to other Asian countries. The Philippines has succeeded in expanding its education in quantitative terms,” anang Virtual Campus.

Gayunman, ayon sa Virtual Campus, masasabing kuwestiyonable pa rin ang kalidad ng edukasyon, kung pagbabatayan ang epekto nito sa ekonomiya.

Binanggit ng Virtual Campus ang ulat ng Department of Education na nasa 72.18 porsyento ang completion rate sa elementarya noong school year 2009-2010, at 72.11% 2010-2011, samantalang sa sekundarya ay 73.74% at 74.67% sa nabanggit na mga school year.

Dahil dito, napapanahon nang gumamit ang bansa ng makabagong teknolohiya, gaya ng e-learning, para lalong mapaangat ang literacy rate, gayundin ang kalidad ng edukasyon sa bansa, ayon pa sa Virtual Campus. (Mac Cabreros)

Incoming search terms:

comments


















Translate »