Home » Balita » Kakaibang karera ng mga babaeng naka-stiletto shoes, gown, idinaos

Kakaibang karera ng mga babaeng naka-stiletto shoes, gown, idinaos

Ni Madelynne Dominguez/ Manila Bulletin

MARIKINA CITY, Philippines – Suot ang sapatos na may mataas na takong, nagkarera sa ang isang grupo ng kababaihan bilang bahagi ng fun run activity sa selebrasyon ng Sapatos Festival sa siyudad na ito.

Tinaguriang “Tour de Takong,” pinangunahan ng pamahalaang lunsod ang matagumpay ng karera ng kababaihang nakasuot ng stiletto shoes.

May edad mula 18-anyos, marami ang naaliw nang makitang nag-unahan sa finish lina ang mga competitor mula sa iba’t ibang barangay suot ang mga sapatos na may takong na tatlong pulgada ang taas at may nipis na 1.5 sentimetro.

Ang fun run ay isinagawa sa Shoe Avenue sa Barangay Sta. Elena simula sa Teatro Marikina at nagtapos sa Cityhood Park.

Ang buong distansiya ng fun run ay umabot ng 500 metro. Namigay ng P2,000 ang mga sponsor ng fun run para sa mga contestant na nagsuot ng glamorosong damit subalit sumabak rin sa takbuhan bilang special award.

Mayroon ding iba pang special award tulad ng Shoe-perstar Award, Shoes-yal Award, Shoenique Award, Shoe Sexy for this Race! Award at Miss Shoe-niverse Award.

Ang first placer sa fun run ay nag-uwi ng P15,000; P10,000 para sa second placer; at P5,000 sa third place.

Ayon sa mga organizer, idinaos ang fun run upang maisulong at maipalam sa buong mundo ang magandang kalidad ng mga sapatos na gawang-Marikina.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »