Home » Balita » Modernisasyon ng agrikultura, sapat na produksiyon, unahin bago i-export

Modernisasyon ng agrikultura, sapat na produksiyon, unahin bago i-export

 

Ni Leonel Abasola

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Francis Pangilinan na dapat na tiyakin muna ng pamahalaan na may sapat na pagkain ang mga Pilipino bago magbiyahe ng pagkain sa ibang bansa, partikular sa China, na interesado sa mga produktong Pinoy.

Ayon kay Pangilinan, magandang merkado ang China, na kasabay ng paglobo ng populasyon sa halos 1.3 bilyon ay lumiit ang mga lupang sakahan.

“In the next several years, China will be the world’s biggest importer of agriculture and agri-food products, but our own population is growing, our farmers are aging, hunger is rising -4.3 million families as of September 2011 -and we are currently under threat of a food crisis if we are not able to secure, first and foremost, the farmers and fisherfolk who comprise our manpower in the agricultural sector,“ sabi ni Pangilinan.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag kasunod ng paglulunsad ng programang “Sagip-Saka“, na titiyak sa masiglang produksiyon ng ating agrikultura at pangisdaan.

“If we are able to give our farmers and fisherfolk the dignity that they deserve, while ensuring the productivity of our farms and the consistency of our supply, then it will be less challenging to take the next step of conquering the global market,“ sabi ni Pangilinan.

Malaking bagay naman ang ipinalabas na P2.96 billion na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa modernisasyon ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Senator Edgardo Angara, malaking bagay ito para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad, at pagpapalawig sa mga pananaliksik na layuning mapalakas ang produksiyon ng pagkain.

“Our country is still very dependent on agriculture. Modernizing Philippine agriculture is key to fighting poverty in the rural areas,“ sabi ni Angara.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese