Home » Punto for Punto » RH BILL AT ANG POPULASYON

RH BILL AT ANG POPULASYON

Matindi ang babala ng mabilis na pag-lobo ng populasyon sa daigdig, ito ang hamon ng United Nations sa mga lider ng mundo na tugunan. At ang panawagan pa lamang na ito ng UN na kagigimbal na.

Kabilang siyempre sa mga problemang kaugnay ng pagdami ng tao ay ang tiyakin ang kasapatan ng pagkain at malinis na tubig kasama ng pagtiyak din na magiging sapat ang seguridad at katarungang kabuntot nito. Ang mundo ngayon ay mayroon nang pitong bilyong katao mula sa 6 na bilyon noong 1998 o labintatlong taon pa lamang ang nakararaan.

At matalinghaga ang ipinahayag ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na ang mundo aniya ngayon ay napakalala ng kontradiksiyon. Sinabi niyang sa kabila ng marami pang pagkain o makakain ay kung bakit isang bilyon pang katao sa buong mundo ang nangagugutom. Na samantalang ang iilan ay namumuhay sa karangyaan ay napakarami ang naghihikahos, na samantalang ang iba ay hindi namumrublema sa gamot ay napakaraming namamatay na mga ina araw-araw dahil sa panganganak at bilyong piso ang ginagastos sa pagbili ng mga armas para pumatay sa halip na magligtas.

Malaman ang tinurang iyan ni Ki-moon ngunit katotohanan at talagang nangyayari lalo na sa ating bansa. Sa ‘Pinas na daan-daan ang nagpapasasa habang milyun-milyon ang nagdarahop. Lumilitaw sa pag-aaral ng UN na ang pangunahing problema ng mundo ay ang paglobo ng populasyon.

Ang Reproductive Health bill ay napakatagal nang nakabimbim sa Kongreso. Kung talagang ang solusyon para mabawasan ang kahirapan ay ang paglobo ng populasyon, bakit hindi umaksiyon ang ating mga mambabatas? Dahil ba sa sila mismo ang nagkakalat ng mga anak at isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na dumarami ang tao sa Pinas? Hindi nga ba’t kamakailan lamang ay lumitaw ang katotohanang isang dating pulitiko ang may 72 anak sa napakaraming asawa?

Kawawa naman ang mundo sa kahalatan at ang Pinas sa partikular dahil pinaglalaruan n gating mga Pultiko!

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »