Home » Bulong at Sigaw » MAGANDANG HALIMBAWA

MAGANDANG HALIMBAWA

PADER ang binubunggo ni Rep. Gloria Arroyo sa pagnanais niyang makalabas ng bansa para raw magpagamot. Higit na maingay ang panawagan na huwag siyang pahintulutuan kasi lalabas siya ng bansa pagkatapos siyang paulanan ng mga kaso na ang iba nito ay may kaugnayan sa pagwaldas ng limpak-limpak na salapi ng bayan. Sa demokratikong bansa tulad ng sa atin. Bahagi ng karapatang ito ay ang magpagamot. Kung saan at sino ang gagamot sa kanya ay nasa kanya na ito. Ang problema kay Ate Glo ay ang kanyang kredibilidad. Sa paglabas niya ng bansa, iiwan niya ang napakabigat na mga kaso na dapat niyang harapin at panagutan kung siya ay mapatunayang nagkasala.

Ipaba-biopsy ang kanyang buto, wika ng kanyang mga tagapagsalita. Pero sabi naman ng Philippine Medical Association, mamera na ang mga doctor sa ating bansa na kayang gawin ito. Hindi ang mga tagapagsalita ng Kongresista na hindi mga doktor ang pwedeng magpabulaan sa tinuran ng mga samahan ng mga doktor sa ating bansa. Dapat ay ang mga doktor din lalo na iyong mismong tumingin at gumamot na sa kanya. Bakit hindi ang mga ito ang nagsasalita para sa Kongresista? Napakabigat kasing responsisbilidad ito sa taumbayan na nasa posisyon ngayong papanagutin ang mga taong nagkasala sa kanila. Kapag nagsinungaling ang mga doktor na ito, sa kanila ibubunton ng taumbayan ang galit nila kapag nalusutan ng Kongresista ang kanyang mga kaso. Ang Korte Suprema ngayon ang tinapik ni Gng. Arroyo na magsalita para sa kanya dahil na nga ginawa nitong kasong isinampa dito ang pagtanggi ng DOJ na alisin siya sa watch list. Ang mga doktor na tumingin sa Kongresista ay nagbigay ng magandang halimbawa para sa lahat upang gayahin.

Incoming search terms:

  • Merham

    but walang picture fb mo

  • Mimiqie_naffy

    burg???

  • shaneen

    boli

  • lorence

    ut!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • ewan ko sau

    bati

  • carl

    maganda ang inyong mga halimbawa dito

  • carl

    BATI

  • jashmine

    . huh ?