Home » Balita » DFA, makikipag-dayalogo muna sa 41 bansang napatawan deployment ban

DFA, makikipag-dayalogo muna sa 41 bansang napatawan deployment ban

Ni Bella Gamotea

Manila, Philippines – Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipagdayalogo sa 41-bansa na kabilang sa nabigyan ng deployment ban ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Dahil hindi na itinuloy ng DFA ang sertipikasyon para sa 41-bansa, hiniling nito sa POEA na ipagpaliban ang implementasyon ng deployment ban sa loob ng 90-araw.

Sa oras na pumayag ang POEA sa kahilingan ng DFA, agad na sisimulan ang muling pagbisita at makikipagusap sa 41-bansa na una ng inisyuhan ng ban para sa maayos na kasunduan sa paggawa para bigyang proteksiyon ang overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho roon gayundin sa mga nagbabalak pang magtrabaho sa mga bansang ito.

Ang desisyon ng DFA na huwag ituloy ang sertipikasyon ay magandang pagkakataon upang bigyang daan ang pagkokonsidera sa panibagong pagbabago sa napagkasunduang Decent Work for Domestic Workers ng International Labor Group.

Paniwala ng ahensiya, ilang bansa sa 41 bansa na sakop ng ban ay maaaring kabilang sa mga lumagda sa naturang kasunduan kaya hindi na dapat mapabilang sa listahan.

Puspusan naman ang pakikipagugnayan ng DFA sa kanyang foreign posts para maisakatuparan ang isasagawang dayalogo para sa 41-bansa.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese