Home » Balita » Paggawa ng sapatos, ituturo na

Paggawa ng sapatos, ituturo na

Lalo pang aarangkada ang shoe industry sa Marikina City.

Ito ay matapos maipasa ni Councilor Susana Magtubo ang Resolution No. 184, na nagsusulong sa pagtuturo sa paggawa ng sapatos bilang technical at vocational course ng Marikina Polytechnic College.

“By adding subjects focusing on shoe making and designing, students with skills and creativity can use their talents to start a shoe business in the future,” pahayag ni Marikina City Mayor Del de Guzman.

Kilala ang Marikina bilang shoe capital ng Pilipinas, dahil sa lungsod nagmumula ang mga mura at dekalidad na sapatos sa merkado.

“We have to train our next generation of shoemakers for continuity in line with our resolve to revive our primary industry,” dagdag ni De Guzman.

Binanggit ng alkalde na ang hakbang ay suportado ng Marikina Shoe Industry Development Council (MASID-Council) dahil hindi lamang magiging globally-competitive ang sapatos ng Marikina kundi maitatampok pa ang kultura at kasaysayan ng siyudad. – Mac Cabreros

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »