Home » Daigdig » Polusyon sa tubig, tagtuyot, banta sa mga maralita ng mundo

Polusyon sa tubig, tagtuyot, banta sa mga maralita ng mundo

 

COPENHAGEN, Denmark (AP) – Hindi natupad ng maririwasang bansa ang kanilang pangako na tulungan ang maralita, deklara ng UN noong Miyerkules, sinabing ang mga dukha ay kadalasang nagugutom sanhi ng polusyon sa tubig, tagtuyot, at iba pang pangyayari sa kapaligran na nagpapalubha sa karukhaan.

Sa kanyang taunang report sa kalidad ng buhay sa buong mundo, sinabi ng United Nations Development Program na marami pa ang dapat gawin upang matugunan ang mga suliranin sa kapaligiran at dapat na maging paraan ng pamumuhay ang sustainability o pagpapanatili sa pagakyat ng populasyon ng mundo sa mahigit 7 bilyon.

“The key finding of the report is that the very impressive long-term development progress that we have been able to document in low-income countries in recent decades may slow down or even be reversed unless we, as a world community, come to terms with these central environmental challenges, which include climate change but are not restricted to climate change,“ pahayag ni William Orme, na namamahala sa publikasyon ng ulat.

Ang pinakamahihirap na bansa, na karaniwan ay tropical o mainit (gaya ng Pilipinas), arid o tuyot at rural o kabukiran, ang pinakamahina sa matitinding klima kabilang ang mga tagtuyot, pagbaha, na sumasalanta sa mga pananim, yamang-gubat, at pangisdaan, aniya sa paglulunsad ng UN ng ulat sa New York.

Nagbabala si Orme na “all these things will converge in a very negative way unless global action is taken.“

Sinabi ni UNDP Administrator Helen Clark sa paunang salita ng ulat na “sustainability is not exclusively or even primarily an environmental issue.“

“It is fundamentally about how we choose to live our lives, with an awareness that everything we do has consequences for the seven billions of us here today, as well as for the billions more who will follow,“ aniya.

Pinansin ng ulat na bagamat lumaki ang tulong sa mga mas mararalitang bansa ng 23 porsiyento mula 2005 hanggang 2009, hindi ito naging sapat.

“Rich countries have consistently failed to meet their stated pledges,“ kabilang ang mga pangako ng G-8, European Union at United Nations na magkaloob ng $100 billion bawat taon pagsapit ng 2020 upang labanan ang epekto ng climate change sa mga umuunlad na bansa.

“The pledges fall well short of estimated needs, and disbursements fall well short of pledges. Most of the `new and additional’ funds pledged at the 2009 U.N. Climate Change Conference in Copenhagen have not been delivered, and less than 8 percent of pledges for climate change were disbursed in 2010,“ saad sa ulat.

Noong nakaraang buwan, ang populasyon ng mundo ay nagtala sa 7 bilyon. Tinaya ng UN na ang populasyon ng mundo ay aakyat sa 8 bilyon pagsapit ng 2025 at 10 bilyon sa 2083.

Ang UNDP report ay inilalathala taun-taon simula noong 1990.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese