Home » Boxing, Pacquiao » Donaire Jr., mahusay na boksingero

Donaire Jr., mahusay na boksingero

Maynila, Pilipinas – Pinabulaanan ng pamosong trainer ni pound-for-pound king Manny Pacquiao na Amerikanong si Freddie Roach ang lumabas na ulat na sinabi niyang mabibigo si WBC at WBO bantamweight champion Nonito Donaire Jr. kapag umakyat sa featherweight division.

Sa panayam ni boxing writer Luis Sandoval ng BoxingScene.com, ikinaila rin ni Roach na sinabi niyang “overrated“ si Donaire Jr. na nakita sa huling laban ng Pinoy boxer laban kay Argentinian Omar Narvaez.

“I never said Donaire Jr. was overrated,“ sabi ni Roach. “I don’t know where that came from. Donaire Jr. is a friend of mine and I like Donaire Jr. a lot. I think he’s a great fighter.“

Nakatalang No. 4 sa best poundfor-pound fighters ng The Ring Magazine kasunod nina Pacquiao, WBC welterweight champion Floyd Mayweather Jr. ng United States at WBC Silver middleweight titlist Sergio Martinez ng Argentina si Donaire Jr. ngunit maraming boxing fans ang hindi nasiyahan sa panalo niya kay Narvaez na walang ginawa sa laban kundi idepensa ang mukha nito.

“I think he fought a guy who had a game plan this time and the guy knew not to go right in and get hit by the hook,“ paliwanag ni Roach. “I have nothing against Donaire Jr. I talk to Donaire Jr. all the time. He’s a great guy. A great champion and I wish him well“.

Kasalukuyang niluluto ng promoter ni Donaire Jr. na si Top Rank big boss Bob Arum ang susunod na laban ng Pinoy boxer laban kay WBC super bantamweight champion Toshiaki Nishioka ng Japan na matagumpay naidepensa ang titulo nito laban kay Mexican Rafael Marquez sa 12-round unanimous decision sa Las Vegas, Nevada kamakailan. (Gilbert Espena)

Incoming search terms:

comments


















Translate »