Home » Punto for Punto » KARAHASAN SA ATING MGA PAARALAN

KARAHASAN SA ATING MGA PAARALAN

Hindi na biro ang nagaganap na ito sa ating mga paaralan. Kabi-kabila na ang mga nangyayaring karahasan: bugbugan, ramble at kalimitan ay patayan pa. Nakababahala na ang mga karahasan laban sa mga mag-aaral at maging sa mga opisyal ng tinatawag na higher education institution o HEI sa bansa at ito ay ayon mismo sa chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) Patricia Licuanan.

Ang pinakaprominente at isa sa mga huling naganap ay ang pagkapatay kay vice president Augustus Cesar ng Polytechnic University of the Philippines na binaril ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa Sta. Mesa kamakailan lamang. Nabanggit din ni Licuanan ang pagkakapatay at pagkagahasa kay Given Grace Cebanico na isang BS computer science student sa University of the Philippines.

Una sa mga ito ang mga naganap nang kung anu-anong karahasan at patayan sa loob mismo ng mga paaralan. Estudyante laban sa kapwa estudyante, at kung anu-ano pa.

Noon, ang malimit na nagaganap na pagpatay ay ang pagpaparusa na humantong sa kamatayan ng mga fraternity. Kung may ilang ulit na itong inimbestiga, pero walang solidong naging desisyon. Patuloy hanggang ngayon ang ginaganap na hazing ng mga fraternity.

Ngayong matigil na pansamantala ang nagaganap na kamatayan sanhi ng mga hazing ay dumami pa rin at naging mas madugo ang nagaganap na karahasan sa mga paaralan.

Ang nakalulungkot, inamin ng CHED na wala silang gaanong magagawa sa nagagnap na mga krimeng ito. Magkagayon pa man, sinabi ng pinuno ng CHED na ang mga administrador ng mga paaralan at ang libu-libong edukador sa HEI ay maaring palawakin ang kanilang pagsisikap na maitatag ang values at karakter ng kanilang mga estudyante para maging mga mamamayang sumusunod sa batas.

Incoming search terms:

  • Adeline

    ha?n

  • Lboletic18

    over

  • Heidebianzon

    grabehn

  • Christianpaulimpag

    atay ay nganong c ge ug balik balikn

  • Jvtabino

    :|n

  • Hyagracesecida

    hay nku ganyan talaga ang buhayn

  • Secretagent

    paulit ulit lng nman ung cnasabi jan .. khit anong pndutin sa incoming search term , un prin

  • Jerralynn_alburo

    kwawa aman kmeng mga girln

  • Paleroglenmar

    oww……the filipino girl is so ” ”

  • Paleroglenmar

    hi everyone…goodmOrning……neat your breakfast ”para iws sltek”

  • http://www.facebook.com/charry.eco.9 Charry Ponce Eco

    bakit paulit-ulit… ano ba yan??????????

    tssssssssssk..
    :(