Home » Balita » Child labor sa bansa laganap

Child labor sa bansa laganap

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na pigilan ang tumataas na bilang ng mga batang nagtatrabaho at lantad sa panganib.

Ayon kay Cayetano, napapabayaan ng pamahalaan ang mga
kabataan kaya nanawagan din siya sa Department of Labor and Employment (DoLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsagawa ng malawakang kampanya para malaman ng mga magulang at kabataan ang kanilang mga karapatan.

“We need to see more government agents checking on industries that hire child laborers and communities where parents are known to force their children to seek employment. And government must be prepared to support both the rehabilitation of the children and the parents,” ayon
kay Cayetano.

Sa ulat ng International Labor Organization (ILO), may 2.4
milyong batang manggagawa na may edad siyam hanggang 17 ang nagtratrabaho sa Pilipinas sa kabila ng pagiging aktibo ng pamahalaan sa mga kampanyang inilulunsad ng ILO.

Tinukoy ni Cayetano ang mga batang namumulot ng basura, nagtatrabaho sa mga minahan, batang maninisid at nagbubuhat ng kahoy sa kagubatan, na lubhang delikado sa kanilang buhay.

Aniya, nagiging abnormal na ang kanilang buhay at karamihan sa kanila ay nagiging mangmang dahil na rin sa mga kemikal na kanilang nalalanghap. (Leonel Abasola)

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »