Home » Klasrum » Wikang Pilipino

Wikang Pilipino

IT (Filipino) might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.“ Sino ang nagsabi nito? Ang napakahusay sa wikang Ingles na si James Soriano, estudyante sa isang napakaprestihiyosong paaralan sa bansa.

Kagila-gilalas ang mga Pilipino na mahusay magsalita at magsulat sa iba’t ibang wika. Kahanga-hanga sila. Kapuri-puri. Maipagmamalaki. Kung pinagpala ang isang tao at magaling sa dayuhang wika, hindi ito nangangahulugan na kulang sa maraming bagay ang wikang FILIPINO. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tindera, kasambahay, drayber, at iba pa kung mababasa nila ang mga pinagsusulat ni G. Soriano tungkol sa ating wika? Nailathala ito sa mismong Buwan ng Wika, Agosto.

Malawakan ang negatibong reaksyon. Parang hindi kapanipaniwala na magsusulat ang isang intelihenteng estudyante tungkol sa Filipino sa paraang ikinawindang ng marami. Lahat may karapatang magsulat ng kanyang opinyon tungkol sa wikang Filipino. Inirerespeto at iginagalang natin ang kanilang mga pananaw huwag lamang itong makapanlumo sa mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kinagisnang wika.

Nabasa ang mga pahayag ni G. Soriano sa isang malaganap na pahayagan sa Ingles. Nakalulungkot, kung wawariin, kung hindi ito nabasa ng mga tindera, drayber, kasambahay at mga hindi pinagpala sa pagsasalita ng Ingles. Maaaring nakatuon ang kanilang sarili sa pagtatrabaho at walang panahon sa pagbabasa ng pahayagan. Kung nagbabasa man sila ng pahayagan, siguradong hindi nila mapapansin ang sinulat ni G. Soriano.

Busy sila sa paghahanapbuhay para mabuhay sa lipunang ating ginagalawan na “rotten beef and stinking fish.“ Anuman ang uri ng kanilang trabaho, kapuri-puri pa rin sila at kagalang-galang. At hindi matatawaran ang kanilang galing sa sariling wika. Maaaring iba ang nasa isip o intensiyon ng nagsulat o hindi nasagi sa isip na may mga masasagasaan kapag nabasa ang kanyang kaalaman sa wikang Filipino. O sadyang naging honest lamang siya sa kanyang opinyon.

Proud tayo bilang Pilipino at lubos na nagpapasalamat sa Panginoon at may wikang pinagkikilanlan. Ang wika na sinasalita ng sambayanan. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas… ang wikang FILIPINO.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »