Home » Balita » Sangkot sa pagpaslang sa 19 na sundalo, isusuko ng MILF

Sangkot sa pagpaslang sa 19 na sundalo, isusuko ng MILF

Inaasahan ng pamahalaan na isusuko ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang mga tauhan na sangkot sa pamamaslang sa 19 na miyembro ng Philippine Army sa Al-Bakra, Basilan noong Martes.

Sinalubong ng hero’s welcome ang 11 sa 19 na sundalong napatay sa engkuwentro laban sa rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagdating ng mga labi sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.

Ang mga nasawing sundalo ay dumating mula Basilan sakay ng C130 bago ihatid sa kani-kanilang mga lugar.

Sinabi ni Philippine Army spokesperson Col. Antonio Parlade, hindi pa nito makumpirma kung makikiisa si Pangulong Benigno Aquino III sa paggawad ng parangal sa mga sundalo dahil pangungunahan rin nito ang command conference sa Camp Aguinaldo.

Ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ito ay bahagi lamang ng standard operating procedure sa mga bayaning sundalo na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Inihayag ng opisyal na ang 11 mga bangkay ng sundalo ay pawang tagaLuzon habang ang walong iba pa ay taga-Visayas at Mindanao.

Tiniyak ni Presidential Adviser on Peace Process Sec. Teresita Deles ang pagkakaroon ng hustisya sa 19 na sundalong nasawi sa nangyaring engkuwentro.

Sa panayam kay Deles, sinabi nito na isa ito sa prayoridad ng gobyerno at suportado nila ang hakbang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghain ng murder charges laban sa mga responsableng miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). (Fer Taboy)

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »