Home » Daigdig » Climate change, banta sa kalusugan

Climate change, banta sa kalusugan

May agaran at seryosong banta ang climate change sa pandaigdigang kalusugan at katatagan, sa pagsira ng mga baha at tagtuyot sa mga kabahayan at suplay ng pagkain at pagtaas ng mass migration, babala ng mga eksperto noong Lunes.

Sa isang pahayag na inilabas sa isang pagpupulong sa London, hinimok nila ang mas matibay na aksiyon upang mabawasan ang climate change kabilang na ang pagtaas sa target ng EU sa pagbawas sa greenhouse gas emissions mula sa 20 porsiyento pagsapit ng 2020 sa 30 porsiyento mula sa 1990 levels.

“It is not enough for politicians to deal with climate change as some abstract academic concept,“ sabi ng isang signatory, si Hugh Montgomery, director ng University College London (UCL) Institute for Human Health and Performance. “The price of complacency will be paid in human lives and suffering, and all will be affected.

“Tackling climate change can avoid this, while related lifestyle changes independently produce significant health benefits. It is time we saw true leadership from those who would profess to take such a role.“

Ang iba pang signatories ay kinabibilangan nina Michael Jay, chairman ng medical charity na Merlin, Ian Gilmore, ex-president ng Royal College of Physicians, at Anthony Costello, director ng UCL Institute for Global Health.

Inilatag ng pahayag kung paanong ang tumataas na temperatureat pabagu-bagong panahon ay mauuwi sa mas madalas at matitinding klima, magtataas sa pagkalat ng nakahahawang sakit , sisirain ang mga habitat at magdudulot ng kakulangan sa tubig at pagkain.

Ito ay magbubunsod ng sigalot, humanitarian crisis at mass migration, aniya.

Ang mabilis na pagkilos para tugunan ang climate change ay hindi lamang mababawasan ang mga panganib na ito kundi mapapabuti pa ang pandaigdigang kalusugan, sinabi ng mga eksperto, tinukoy ang mga hakbang upang mabura ang coalfired power stations na magpapabuti sa kalidad ng hangin.

Hinimok ng mga eksperto ang EU at iba pang mayayamang bansa na magpatupads ng mas mahigpit na emissions targets, at ang mga umuuland na bansa na tukuyin ang mga paraan na nagiging banta ang climate change sa kalusugan at maghanap ng mga paraan na matugunan o malagpasan ang mga ito. [Agence France-Presse]

Incoming search terms: